Para sa lahat ng mga kapwa ko artist na nangangarap diyan, balang araw mag bubunga rin lahat ng dugo't pawis, pagod at puyat natin sa pag likha ng kanta. Alam kong hindi madali pero hanggat may isang nakikinig at naniniwala, mag patuloy lang tayo. Naniniwala akong darating 'yung araw na mapapakinggan din ng buong mundo ang obra natin tapos mapapasabi ka nalang sa sarili mo na "BUTI NALANG HINDI AKO TUMIGIL" 'Yung susunod na iyak mo hindi na sa pagod at stress kung paano di-diskarte ng pera para lang makapag release ng kanta, 'yung susunod na iyak mo TEARS OF JOY na. Walang ibang unang dapat na maniwala sa sarili mo kundi ikaw lang. Walang susuko ah, God is always in control. Padayon!